Baron Geisler natuloyan, kulongan ang bagsak sa Quezon
Baron Geisler natuloyan kulongan ang bagsak sa Quezon
Nakakulong ngayon sa detention facility ng Quezon City Police Station 10 ang aktor na si Baron Geisler matapos nitong manggulo at magwala sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato kagabi.
Bagaman hindi nagpaunlak ng panayam ang general manager ng restobar, ayon sa report ng mga otoridad, dati nang ‘banned’ si Baron sa establisimiyento.
Gayunman, dahil dalawa ang entrance dito ay nagawang makapasok pa rin ang aktor.
Nang medyo nakainom na si Baron ay pinabantayan na ito sa security guard ng restobar.
Nang mapansin ito ni Baron ay tila hindi niya ito nagustuhan at tinulak ang gwardya bago ito pinagmumura.
Dito na tumawag ang management ng mga pulis na silang dumampot sa aktor.
Sumailalim si Baron sa breath analyzer at nagpositibo siya sa alcohol breath.
Giit naman ng aktor, nananahimik lamang siya sa loob ng restobar kaya naman nagulat siya nang damputin siya ng mga pulis.
Hindi rin ito nagkomento sa nangyari.
Giit nito dapat silipin na lamang ang CCTV footage sa lugar upang malaman kung ano talaga ang nangyari.
Reklamo pa nito, hindi umano siya dumaan sa tamang proseso nang siya ay hulihin.
Ayon kay Superintendent Christian Dela Cruz, hepe ng QCPD Station 10, mamaya ay isasailalim si Baron sa inquest proceedings at kakasuhan ng alarm and scandal at unjust vexation.