Ads Top

Death penalty bill ilalaban ni Sen. Manny Pacquiao sa Senado




Bubuksan na ng Senado ang debate ukol sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, si Senador Manny Pacquiao ang maglalatag sa plenaryo ng committee report ukol sa death penalty bill.

Gagawin umano ito ni Pacquiao ngayong Enero.

Babalik ang Senado sa kanilang regular na sesyon sa Enero 15.

Pero hindi makapagbigay ng garantiya si Pimentel kung makalulusot sa Senado ang death penalty bill bagaman itinutulak ito ng kaniyang kapanalig na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinasa kay Pacquiao ang pagdepensa sa death penalty bill dahil pursigido siya rito.

Bukod dito, tutol sa panukalang batas na ito si Senador Richard Gordon na chairman ng Senate committee on justice and human rights kung saan iniatas ang pagpapatawag ng mga pagdinig ukol sa panukalang parusang bitay.

Source: ABANTE
Powered by Blogger.