Ads Top

Term extension ihihirit ng Duterte admin ngayong 2018.


Pinaghahanda ng Liberal Party (LP) ang publiko sa tiyak umanong isusulong ng administrasyong Duterte sa 2018 na term extension o pagpapatagal sa puwesto ng hindi dadaan sa eleksiyon.

Ito umano ang tiyak na pakay ng pagsusulong ng pagpapa- amiyenda sa konstitusyon, ng federalism at ng iginagapang na martial law.\

Ayon sa LP, nakapagpalusot ng mga kasinungalingan nitong 2017 at kailangang labanan ang pagdurugtong dito ng term extension.

“How will the lies be promoted in 2018? By circumventing, if not actually violating, the country’s fundamental law through Cha-cha or federalism or martial law so that some politicians can try to rule longer than allowed and that we the people won’t be allowed to choose our leaders,” ayon sa LP.

Dahil dito, matinding laban umano ang kailangang paghandaan ng publiko.

“So let’s brace ourselves this coming year. This may be the fight for our nation’s soul. And we will fight with the only weapons we have: truth and justice. Katotohan at katarungan,” dagdag ng LP.

Ayon sa partido, ang tatlong kasinungalingan na namayagpag nitong magsasarang 2017 ay ang pag-uugnay kay Sen. Leila de Lima sa drug trafficking na dahilan ng pagkakakulong nito; ang deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao kahit nasa Marawi lang ang gulo; at ang pag-uugnay sa illegal drug trade sa mga menor de edad na pinatay umano ng mga pulis na si Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Kulot de Guzman at iba pang menor de edad. 

source:abante
Powered by Blogger.